Ee pano, inamin ko kasi na may feelings pa rin ako sa kanya. Kaya ayun, naiilang akong kausapin siya o lapitan man lang. Mag-iisang buwan na din kong tinitiis na hindi siya itext. Bwiset. Haha. I keep on asking myself,
“bakit kailangan kong pahirapan ang sarili ko kung mahal ko parinpala yung tao?”
Nagmumukang tanga na nga ako dita sa kakausap sa sarili ko eh. Pero, bakit nga ba? Bakit ko nga ba pinapahirapan ang sarili ko? Wala naman sigurong mawawala sa akin kapag inamin ko sa kanya, diba? Pero heto ako, kinakausap ang sarili ko.“Alam kong mawawala siya pag inamin ko. Kaya lumayo na lang ako sa kanya. Para pigilan na nararamdaman ko.”Eh tanga ka pala eh. Paano kung maunahan ka ng iba jan? Paano kung isang araw malalaman mo na lang na may boyfriend na siya? I-imaginin mo pa lang, ang sakit-sakit na. Tol. Dapat maging matapang kang aminin ang nararadaman mo sa kanya. Or otherwise, maging matapang kang makita siyang may kasamang iba dahil naunahan ka ng iba jan. Hindi mo malalaman ang mga posibleng mangyari kung hindi mo tinake yung risk na sabihin sa kanya. Well, it’s up to you.“The sad part is, I act like as if its okay with me not to talk to her when its not! Dinedma ko siya nung isang araw! As if hindi ko siya kilala at nag mamahaba ng hair para hindi siya pansinin. Ang tanga ko! “See? You said it yourself. Sinabi mong kailangan mong lumayo sa kanya para hindi ka na masaktan pero nasaktan ka parin. Lalong mas masakit kung andun ka sa point na mahal na mo siya. You’re the one who made that selfish decision not to talk to her. So ano na? Katotohanan, sino bang kawawa? Sinong lugi? Sinong mukhang tanga? Diba ikaw rin? Dahil dun bitter ka? Omg. Ang labo mo. Kaya naiwan ka na lang tulala jan.“Pagpasenyahan niyo po ako, torpe lang talaga at sadyang totoo tong nararamdaman ko.”Lol. You’re such a dram king. Kung mahalin mo kaya muna ang sarili mo? Nagmumukang tanga ka na kasi jan at ang baduy mo pang pakinggan. Haha. Torpe huh? Paulit-ulit mo na yang ginawang excuse. But really, ang tunay na lalaki, kahit torpe; nagagawa pa rin niyang aminin ang kanyang nararadaman para sa kanyang minamahal.” Hindi madali, aminado ako dun. Pero ikaw lang ang kayang tumulong sa sarili mo. Take the risk. Mailang sya or hindi, yon lang ang paraan para malaman. Technically, wala siyang kasalanan sayo kung natotorpe ka :p“Hindi ko siya niligawan noon dahil concern lang ako para sa kanya. Baka kung anu-ano nalang ang masabi ng mga tao tungkol sa kanya. Like really, ang bata pa namin. Ang I’m like what? I just turned 16 and she’s like- nvm. :sigh: Masyado akong affected. Man, I am hopeless. Torpe in vain.”.Stop worrying about everything or about everyone. Don’t end up asking yourself the “What if” things. It just takes a little courage there in your heart. Mahalin ka man niya o hindi, ang mahalaga nagpakatotoo ka; na naging matapang ka. Ang sakit kaya sa pakiramdam ng naghihinayang ka over something. Come on!
:Sigh: Ito yung mga bagay-bagay na pumasok sa isipan ko kagabi habang kinakausap at tinatanong ang sarili ko. Napaisip ako; hindi naman pala ako kailangang lumayo eh. Kahit na i-turn down niya ako, pwede din naman magkaibigan pa. Mas masarap maging kaibigan, I guess. Haha. But hey. Kahit naman hindi “kayo”, she’s been part of my life. Okay na yun. At the very least, gagaan na ang dibdib ko at makakahinga na nang malalim. I’ll just have to give it a try. Char! Haha.
Gusto kitang makita eh. Kahit isang sulyap lang. Kahit sa malayuan. T.T
She was there! She! Was! There! And I didn’t do anything to try to talk to her. What the hell Renzo?! Seriously?! This was your only chance and you screwed it. Okay, that’s it. You’re hopeless, hopeless I tell you. Torpe ka! How much of this do you have to undergo for you to realize you only have one chance to make it happen? I thought you already made up your mind?
Ang sakit. Hanggang nakaw na tingin lang ako sa kanya kanina. :sigh: Nasayang ang sakripisyo ng kaibigan ko. Pinakausapan ko kasi siya na kung pwede, akin nalang ang ticket niya sa barko. Naubusan kasi ako ng ticket pauwi sa amin. Marami-rami din kasi ang na stranded sa mga pantalan kaya ayun, naubusan. Ipinaliwanag ko sa kanya na ito lang ang natitirang pagkakataong makausap siya. Sinabi ko sa kanya kung hindi ako makakauwi, hindi ako makakahabol sa Christmas party bukas nila at masasayang ang tanging pagkakataong makausap siya. Sa awa ng Diyos, pumayag naman siya. Naawa din ako sa kanya dahil Birthday pala ng kanya Papa niya kinabukasan.
So kanina. I was pretending na hindi ko siya nakita dahil na kinakabahan pa ako nang husto’t pinagpapawisan. Lol. Lalapitan ko na sana siya tapos nang bigla nalang naunahan ako ng takot at kaba. Hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan, paano ko siya kakausapin, at paano ako magtatapat. Argh! Bwiset. Papauwi na sila at wala akong nagawa para habulin siya. Ayun. Magka-caroling pa sana kami ngayun pero hindi na ako sumama. Masakit na masyado yung nangyari kanina.
Reality check: Kailangan ko nang bumalik sa shitty-place college life. May pasok pa kasi sa makalawa. Nasayang yung pag-uwi ko dito sa probinsya. Haha. Di ko kasi siya nakita. Pumupunta naman ako sa school nila pero sandali lang, kinakabahan kasi. Gusto ko sana yung wala makakapansin sa akin na nandun ako sa school nila. Haha. Next month pa ako makakauwi ulet. Ohgod. :(
Pumunta ako kanina sa school kasi kailiangan kong ihatid si pinsan. Pagdating na pagdating ko dun. Nakita ko siya. Ayun, rattle mode. Ewan, pero nanginginig ang buong katawan ko’t pinagpapawisan ng husto pagpasok namin sa gate ng school. Exaggerated noh? Pero ganun talaga ang nangyari sa akin. Haha. Mabuti nalang pumasok siya sa building bago pa niya ako makita. Nagmamadaling maka-alis agad. Haha.
Sayang. Ito pa naman yung dahilan kung bakit ako umuwi sa probinsya. :sigh: Gusto ko sana mag-wave ng kamay sa kanya at sabay “hi”. Pero di kaya. Ohgod :(
I’m not torpe. I swear! Really. Okay? Its just that I cant find a perfect timing to tell her my feelings. And on top of that, she’s always with her girlfriends and we’ve lost communication since then. Just the other week, we always bumped into each other halfway across the hallway of our school; but MAN! I should have talked to you. But it seems like my bouts of anxiety have become more frequent over the past few day ever since I went came back and this is ruining everything!
When I was about to approach you, anxiety has already taken over and I get desperate because I know I’m just acting insane and just can’t snap out of it. I just fell anxious. Lol. Naunahan lang talaga ako ng aking kaba. Hindi ako torpe yun lang. Hmmm. Siguro nga torpe talaga ako. Lol
So far, I’m glad you’re happy. I can’t say that I’m completely happy for you but I guess that’s just a part of life, I’ll always have feelings for you but the rest of the world is forcing me to move on. Yes, for now, the best thing to do is moving on. It’s not as easy as it sounds but it will take time. I hope eventually I will come to my senses and man up :’>
Next week na ang intrams namin at wala kaming pasok for one week pero kailangan pa rin kaming pumunta sa school para sa activites at attendance. Tangene naman yan oh! HAHA. Uuiwi ata ako for one week. Wala lang. Feel ko lang. Aba malay. Baka kasi magkita kami dun. HAHA. Tse :p Gusto ko lang siyang makita ulet.
Hindi kasi akong masyadong nakakatext pag weekdays dahil nga may pasok ako at busy rin ang schedule. Pumapayat na nga ako dahil kulang sa kain. Dalawa sa isang beses na lang ako nakakain(Lunch and dinner) pero paminsan-minsan, sa dinner na ako nakakakain. Kaya ayun. Ewan. Ang labo ko. And besides! Busy naman din siguro siya sa mga studies niya kaya hindi ko na siya tinetext para walang maidisturo. HAHA. Bottom line is- gusto ko siyang makita. Tse tse tse. HAHA :p
Di pala ako gaanong sumasa sa mga kaklase ko. Ewan. May tendency lang talaga akong gustong mapag-isa. Ako kasi yung tipong ayaw makihalubilo sa mga taong na sa aking tingin, ay mga mababaw na tao o walang alam sa buhay/mundo. Oo, ganyan ako mag-isip at choosy. Ayaw ko sa mga taong OA, ayaw ko sa mga taong papansin masyado, at ayaw ko sa mga taong ignorante- ignotante sa mga tao. Unang buwan palang ng 1st semister, diretsang sinabi ng mga kaklase ko na weird ako na tila may sarili akong mundo. HAHA. Epic.
Classmate#3: Okay ka lan? Kanina ka pa tahimik jan aa.
Classmate#1: Nagdadrugs ka ba?
Classmate#2: Oo nga. Nagdadrugs ka ba?
Aji: Ha?What? HAHA. No!
Classmate#1: Ee kasi ang weird mo.
Classmate#3: Hindi ka kasi pala-kibo. Kanina pa tayo nagjojoke dito tapos parang hindi ka tumatawa. Kanina ka pa jan nagpapamusic.
Ako: Ha? Porket hindi ako tumatawa’t nagsasalita weird na kaagad or nakadrugs na? (Plastik smile)
Classmate#2: Ano kasi ee- weird lahat ang mga kilos mo. (smile)
Ako: So? HAHA.
Sila: Sige na. Aminin mo nalang. Wag kang mag-alala, di namin ito ikakalat sa iba.
Ako: (Ang kikitid talaga ng mga utak neto) :sigh:
Ang problema kasi sa mga taong kagaya niyo, binabase niyo ang panghuhugas niyo sa isang tao dun sa rarili niyong mga experiences at sa mga tinatawag niyong “normal” na tao na kakilala niyo. Ang hindi niyo lang alam, may 6,390,182 pa na tao bukod sa inyo na may iba’t-ibang personalidad at kaugalian. Ewan. HAHA. Mga ignorante masyado.
Being weird is not a bad thing. HAHA. Because without weird people, the world would be boring with you “normal” people around.Because being weird means that you’re different, unique.Unlike you “normal” people. “Normal” people can’t do what weird people can do- which is being awesome! HAHA. Pero nakakapagod din pakinggan na mga tao jan tingin sa akin ay weird. I consider “weird” a demeaning and slenderous word and yet you’re calling me that? HAHA. Ewan. Kung iisipin, lahat ng tao nirerespeto maliban dun sa mga taong tinatawag niyong weird. HAHA. Weird people- weird! Why do weird people had to be put down so much? HAHA. Really. Why? What’s so different about me besides how I act, talk, walk, and everything about me? HAHA. Because I don’t see so much of a different. Lol. Aba malay. Kfine. Bye :DD
Ang torpe, sa simula, sobrang mahiyain at hindi maipakita yung nararamdaman para sa babaeng gusto niya. Sila yung mga lalaking nag-iipon ng lakas ng loob at naghihintay ng tamang oras kung kailan nila masasabi at maipapakita yung nararamdaman nila sa isang babae. Para sa akin, sila yung tunay na mga lalaki.. Yung mga mayroong tunay na nararamdaman para sa babae. Kasi, isipin natin ah. Ginagawa nila ang lahat para lang mawala yung hiya nila. Nahihiya sila kasi takot silang ma-reject, takot silang mapahiya. Pero yung totoo, kung bibigyan natin sila ng pagkakataon, malalaman at mararamdaman natin yung kakaibang feeling. Yung hindi natin mararamdaman sa mga gwapong lalaki na crush ng lahat, yung mga kilalang lalaki na yan, wala yan kung ikukumpara mo sa mga torpe.
Para sa akin, mas pipiliin ko pang ma-fall sa isang torpe kesa sa isang over-confident na lalaki. Pag torpe kasi, makikita mo yung pagbabago niya para sa’yo eh. Yung kita mo yung hiya niya sa’yo pero ginagawa niya yung lahat ng makakaya niya para lang maiparamdam niya sa’yo. That’s the best feeling I’ve ever felt. Yung bang, makita mong nagbabago siya para sa’yo, para maging masaya kayo pareho at para hindi ka mawala sa kanya. Sobrang sarap maramdaman nun, kahit na hindi nila palaging sinasabi, kasi nasa gawa eh. Kesa naman sa mga over-confident dyan na walang ibang alam kundi magpasikat, magpakaplastik, sabay iiwanan yung babae, kase ano? May iba na silang nahanap. Alam kasi nila na mabilis nilang makukuha yung babae kasi gwapo sila, malakas ang dating, kilala ng karamihan. Pero ang masasabi ko talaga, kung papipiliin ako between torpe at confident na lalaki, dun ako sa torpe. :>
Kaya nga lang- GM/chain message ito ee. Pero okay na yun at least, hindi niya dinelete ang number ko. HAHA! Hindi ko na nireplyan kasi wala rin kwenta ang ire-reply ko. Mabuti na to. HAHA. Call me mamabaw if you want. Little text messages from you make my day better. Guys notice and appreciate the little thing too. Ay ewan. Tse xD
Ang swerte ko dahil nakilala ko siya. Ang daming nagbago sa akin simula nung nakilala ko siya. Kung ano ako ngayon ay dahil yun sa kanya. Aminado ako na ang laki ng pinagbago ko. Lahat na ginawa ko para mapansin niya ako noon. Haha. Nag-aatend ako ng choir namin dahil alam kong nandun siya. Di na ako nale-late dahil nag-eefort talaga ako pumunta ng school nang maaga para maabutan ko siya. Before, nasususpended ako palagi sa klase dahil hanrami kong absent noon. Aba ewan. Ayaw ko lang talaga. Nakakatamad kasi ee. Pero nung nagkakilala na kami, di na ako nag-aabsent. Nakakatawa lang talagang isipin. Haha. Ano pa ba?
Ah… Heto pa, almost 2years na akong di gumagumit ng cellphone noon. Pero nung nakuha ko ang number niya, ayun. Panay text. And nag-iisa lang siya sa phonebook ko noon. Haha. Nung pursyer to turdey hayskul pa ako, hindi niyo talaga ako makikitang nakaupo sa harapan ng klase dahil sa pinakalikod ako umuupo’t natutulog. Pero ewan, ngayon, nasa harap na ako ng klase umuupo at malapit sa pintuan para makasilip ako sa kanilang klasroom. Haha. Naging atentive ako sa mga school activities para mapansin lang at dahil dun, may mga bagong kaibigan din akong nakilala. Haha. Like nung palaro namin, duet yun, kumanta ako sa harap ng mga maraming studyante kahit sintunado at hindi ko namalayan na kumakanta na pala ako basta lang mapansin niya ako. Haha. At yung sa JS prom namin, wala lang. Feel ko kasi ang kanta. Ang song kasi is dedicated para sa kanya. “Yung Ikaw” lamang ng Silent Sanctuary? Lame! :)
Ewan, it really do feels so comfortable having her around. It is so amazing how she made me share things that I don’t usually share to others. May mga secrets ako na siya lang ang nakaka-alam. Hindi ko alam kung alam ba niya yun. Haha. Nagawa ko na ata lahat ng mga hindi ko ginagawa noon. Walang lang. I miss her. Mabuti pa yung friend ko, nagtetext sila. Ee ako? Hindi ko kaya. Haha. Takot ako na baka hindi siya magrereply- ang sakit kaya nun! Ang tanga ko talaga. Bakit ko kasi hinihintay na siya ang unang magtext sa akin. Kaya ayun, hanggang ngayon naghihintay pa rin ako na siya ang unang magtext. Kahit GM man lang. Lol. Everytime na naaala ko siya, napapangiti ako and at the same time, nalulungkot. I miss everything. Thankful pa rin ako kahit ganito ang nangyari. At least, naging masaya ako. Sana maging friends kami ulet. Wala na talaga akong magawa sa pagkatorpe ko.
Kahit hindi ko pinapakita na mahal talaga kita, sana malaman mo na naging totoo ako. Haha! Sorry ha? Sinasabi ko lahat ng ito sa inyo dahil parang ang sakit kasi ng nararamdaman ko pagkatapos ng nangyari kanina <—-. Gusto ko lang i-cheer ang sarili ko. Kahit hindi kita nalapitan, masaya na akong nakita kita. I hope hindi niya to mababasa. Patay ako kapag mangyari yun :)
Goodbye. See you on December. I am looking forward to it.
:Sigh: Wala lang. Dumaan lang siya kanina sa likod ko at wala man lang akong nasabi. Di ko talaga alam. Iba na talaga to. Ayaw ko na talaga. It may sound exaggerated but, gusto ko nang mamatay dahil sa katorpehan ko. Lol. I swear. Nasa harap ko na siya ee at wala talaga akong nasabi. Alam naman niyo siguro kung gaano yun kasakit para sa akin. Reason why I am still here is because I wanted to talk to her so badly for the last time. BLAH! I just want a little chat with her. Pumunta ako kanina sa school ulet dahil akala ko kakayanin ko na. Punyeta talaga. Di pa rin magawa. !@&!*#^*!@*$@@&
Iba pa rin talaga yung feeling. I feel so useless. Super useless. Ewan ewan ewan. Natatawa nalang talaga ako sa mga pinaggagawa ko dito. Dapat kasi monday pa ako bumalik sa Dumaguete dahil pasukan na nung last wednesday. Ee ayaw ko. Haha. Parang nung last time lang. Umuwi pa talaga ako dito kahit dalawang araw lang ang bakasyan dahil alam kong makikita ko siya. Yun lang. Haha. Akala ko talaga I’ll get the chance to talk to her. Torpe nga naman :sigh:
:Sob: I realized na walang mangyayari sa akin sa pagiging torpe ko. Dapat talagang maging matapang ka. Okay lang naman sa akin na mabusted ako basta’t nasabi ko sa kanya kesa sa maghihinayang ako sa buong buhay ko na hindi ko nasabi sa kanya na mahal ko pa rin siya. Simple lang naman di pa rin magawa. Paralagi ko nalang pinalalampas ang mga pagkakataon na pwede kong sabihin ang akin nararamdaman. Para hindi ko pagsisisihan. Haha. I am such a douche. Ewan ko ba. Ang drama ko. Pero take note- lahat ng ito ay totoo.

